NANGANGAMOY Best Actor winner na si Paolo Ballesteros habang kausap namin siya sa presscon ng “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” na pinagbibidahan ni Vic Sotto. Marami ang nagpe-predict na mananalo ulit ng acting award si Paolo sa movie niya na “Die Beautiful” which is one of the official entries sa Metro Manila Film Festival 2016.
Kaya tingin ng iba na blessing in disguise na rin for Paolo na hindi nakapasok ang “Enteng Kabisote 10” sa MMFF para hindi sila magkatapat ng kanyang Bossing Vic sa Best Actor category.
“Ano ba? E, ‘di pang-Best Actress ako,” pabiro niyang sabi.
Bukod sa acting award, malaki ang chance na maging isa sa top grossers sa filmfest ang “Die Bueatiful.” Pero hindi raw ‘yun iniisip ni Paolo. Deadma rin siya sa mga nagkukumpara sa kanya kay Vice Ganda lalo pa’t meron na siyang international acting award.
“Ano ba ‘yun? Wala namang ganoon. Huwag na lang pagtapatin. I’m sure naman pare-parehas lang kami. ‘Yung ginagawa namin, e, pare-parehas lang namin pinagbubuti. Wala namang, pag ginagawa ko ‘to kailangan mas magaling ako kay ganito.
“Gawa lang nang gawa ng maganda, give your best or 100 percent. Ngayon kung mabigyan ng award, ma-recognize, international or whatever, thank you. At least, na-rewardan ang paghihirap mo, ganoon lang,” say ni Paolo.
Tinanong naman namin si Paolo kung ano ang opinion niya sa pag-approve kay BB Gandanghari ng US sa bago niyang pangalan at kasarian.
“Ah, well, I’m happy for her dahil nakita naman natin kung saan siya nanggaling. From being an action star, so, tapos, I can just imagine ‘yung happiness na naramdaman niya when she was legalized as a woman sa US,” pahayag ni Paolo.
Then, we asked him again kung meron din ba siyang ganoong pangarap tulad ni BB, “Ah, no. Sayang naman si Jun-Jun. Ha-hahaha! No!”
Anyway, bago ang movie ni Paolo sa MMFF, palabas na ang movie niya with Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10” na talagang pinipilahan ngayon sa mga sinehan.