Wish ni Paolo Ballesteros: Sana makauwi ang anak ko sa Pasko! | Bandera

Wish ni Paolo Ballesteros: Sana makauwi ang anak ko sa Pasko!

Reggee Bonoan - December 03, 2016 - 12:20 AM

PAOLO BALLESTEROS

PAOLO BALLESTEROS

AS of this writing ay waiting ang buong Team ng “Die Beautiful” sa ibibigay na rating ng MTRCB sa pelikula.

Kahapon ay tinanong namin ang line producer nitong si Omar Sortijas kung ano ang MTRCB rating ng pelikula ni Paolo Ballesteros na kasama sa 2016 MMFF, ang sagot sa amin, “Wala pa po nare-release na rating, waiting pa kami.”

Pero masaya na rin sila dahil rated PG (Parental Guidance) naman ang trailer ng “Die Beautiful” na idinirek ni Jun Lana kaya napapanood na ito sa mga sinehan, telebisyon at social media. At least puwede pa rin daw itong mapanood ng mga bata na may gabay ng magulang.

Pakiramdam namin ay puwedeng PG-13 ang “Die Beautiful” dahil comedy naman ito base na rin sa trailer na napanood namin.

Excited na si Paolo sa showing ng “Die Beautiful” sa Dec. 25, inamin niya na isa sa mga wish niya ngayong Pasko ang mapasama sa MMFF bukod pa sa planong pagdating ng anak niyang kasalukuyang nasa ibang bansa.

“Sana nga matuloy ang uwi nila (kasama ang nanay),” saad ni Paolo sa nakaraang presscon ng “Enteng Kabisote 10”.

Samantala, diretso naman kaming tinanong kung papayag ba kaming mapanood ng anak naming edad 13 ang “Die Beautiful”, ang sagot namin, “Siya ang mamimili hindi namin siya pipigilan dahil lagi rin naman siyang nanonood ng mga pelikula ni Vice Ganda, e, ano ba pagkakaiba no’n na parehong gay movie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending