13th month pay ng mga pensiyonado pwede ng makuha

SA pagpasok ng buwan ng Disyembre, maaari nang matanggap ng mga pensyonado ang kanilang 13th month pay

Kabuuang P7.2 bilyon para sa 13th month pension ngayong taon na makukuha ng mga pensyonado simula kahapo kasabay ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Makikinabang sa benepisyo ang mga pensyonado ng SSS sa ilalim ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) programs, maliban sa mga partial disability pensioners na tumatanggap ng pensyon ng hindi lalagpas sa 12 buwan. Makakatanggap din ng karampatang 13th month na benepisyo ang mga dependents tulad ng mga anak na menor de edad.

Tulad ng 13th month pay na ibinibigay sa mga manggagawa bago mag-Pasko, katumbas ang SSS 13th month pension ng regular na buwanang benepisyong natatanggap ng mga pensyonado ng SSS.

Kadalasan, sa loob ng tatlo hanggang limang araw ay natatanggap na ng pensyonado sa Maynila at karatig na lugar ang tseke. Lima hanggang walong araw naman sa mga malalayong probinsya sa Luzon, at walo hanggang 10 araw sa Visayas at Mindanao

Mga 99 porsyento ng higit sa dalawang milyong pensyonado ng SSS ay kasali sa SSS Pension Payment-thru-the-Bank Program kaya mas mabilis nilang natatanggap ang buwanang benepisyo dahil direktang pinapasok ito sa kanilang bank accounts.

“Maliit o isang porsyento ng mga pensyonado ng SSS, na karaniwang nakatira sa mga malalayong lugar, ang humiling na ipadala ang kanilang regular at 13th month pensions gamit ang tseke dahil walang automated teller machines sa kanilang lugar,” paliwanag niya.

Sa kabuuang bilang ng mga pensyonado sa SSS, 1.2 milyon ay retirement pensioners sa ilalim ng SS Program na 63 porsyento na tumanggap ng P4.5 bilyong kabuuang halaga ng 13th month pension ngayong taon.

Nagbigay din ang SSS ng P2.4 bilyon para sa SS at EC death pensions at P224.5 milyon para sa SS at EC disability pensions.

Ms. Normita Doctor
Officer-in-Charge
Benefits Administration Division SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...