Jason plano nang magpakasal; maswerte sa pagpasok ng 2017

JASON ABALOS

JASON ABALOS

MASAYA naman ang Pasko ni Jason Abalos whose latest TV series Langit Lupa premiered on TV last Monday.

Isa siya sa mga bida sa soap opera and yet we feel na siya itong may markadong role bilang asawa ni Alessandra de Rossi na magiging single father sa pag-aalaga sa anak nilang si Princess.

Noong huli naming makahuntahan ang guwapo at magaling na aktor ay naikuwento niya ang napakaraming projects na kanyang ginagawa, kasama na nga ang Langit Lupa.

May tatlong movies siyang ipapalabas next year at dahil maganda ang feedback sa bago nilang serye bilang bagong family drama sa umaga (bago mag-It’s Showtime), siguradong magiging maganda rin ang umpisa ng 2017 for Jason.

Halata ring ini-enjoy ng binata ang pagiging tatay niya sa mga soap opera ng ABS-CBN at kung preparation man ito sa plano niyang pag-aasawa very soon ay isa itong nakakatuwang balita.

Yes, nabalitaan naming inaayos na ni Jason ang pagpapakasal nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Read more...