NARINIG at nasulat na ang mga sama ng loob nina Mother Lily Monteverde, producer ng “Chinoy Mano Po 7”; Vice Ganda at Coco Martin ng “The Super Parental Guardians” at Vic Sotto ng “Enteng Kabisote 10 And The Abangers”.
Nalaglag sa Magic 8 ng MMFF ang mga nabanggit na pelikula kaya naman nagdesisyon ang mga producer nito na ipalabas na ang kanilang mga movie bago mag-Pasko.
Ngayon, pakinggan naman natin ang reaksyon ng mga taong involved sa isang pelikulang napili para sa MMFF 2016, unahin na naton ang line producer ng “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros na si Omar Sortijas.
Considered indie film daw ang “Die Beautiful” (Regal Entertainment ang magri-release) at sabi ng legendary producer na si Mother Lily ay may sariling festival daw ang mga ganitong klaseng pelikula at hindi bagay sa araw ng Pasko dahil nga hindi naman ito mapapanood ng mga batang 10-taong gulang pababa.
Esplika ni Omar, “MMFF is a yearly festival. Madami nagsa-submit, taun-taon meron napipili at meron din namang hindi. When we all submitted wala naman sinabi na indie or commercial lang ang puwedeng mag-submit. Ang objective ng lahat is mai-share sa bawat Pilipino ang produktong pinaghirapan naming lahat.
“Sana wala na lang labels kung indie or commercial. Lahat ‘yan pelikula. Pelikulang pilipino. The objective is always to make this Christmas a beautiful Christmas,” ani Omar.
Balitang hindi raw pwede sa mga bata ang “DB”, “We are still waiting for the final verdict of MTRCB. Ang wish naming lahat is sana mas maraming Pilipino ang makapanood ng pelikula namin.”
Bukod kay Paolo, kasama rin sa “Die Beautiful” sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casino, Christian Bables, Inah de Belen, IC Mendoza, Cedrick Juan, Lou Veloso, Iza Calzado at Eugene Domingo, sa direksyon ni Jun Lana produced by Idea First and Octobertrain.