Maraming lugar sa QC 3 araw na mawawalan ng tubig mula Dis.5-Dis.7

maynilad

TATLONG araw na mawawalan ng tubig ang maraming lugar sa Quezon City na sakop ng Maynilad Water Services, Inc. dahil sa pagpapalit ng depektibong valve sa 1,200mm-diameter primary line nito sa Tandang Sora ave., Talipapa, Quezon City.

Sa isang pahayag sa Facebook account nito, sinabi ng Maynilad na kabilang sa mawawalan ng tubig mula alas-8 ng gabi sa Lunes(Disyembre 5) hanggang alas-4 ng hapon sa Miyerkules (Disyembre 7) ang mga sumusunod:

Apolinio Samson
Baesa
Bahay Toro
Bungad
Damayan
Del Monte
Katipunan
Mariblo
Paltok
Paraiso
San Antonio
Sangandaan
Talipapa
Tandang Sora
Veterans Village

“Ito ay aabutin ng 43 oras dahil ang linya na pagkakabitan ng bagong valve ay may sukat na apat na talampakan ang dyamentro,” ayon pa sa Maynilad.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng tubig na sapat sa tatlong araw.

Read more...