AFP: 85% ng Butig, Lanao Sur nabawi na; 61 miyembro ng Maute napatay

butig

NABAWI na ng militar ang 85 hanggang 90 porsiyento ng Butig, Lanao del Sur, mula sa kamay ng teroristang Maute group, ayon sa tagapagsalita ng militar.

Sinabi ni Major Felimon Tan,  spokesperson ng Western Mindanao Command na nakabase sa
Zamboanga City, na simula Huwebes noong isang linggo, umabot na sa 61
na mga miyembro ng Maute gang ang napapatay ng mga tropa ng gobyerno habang patuloy ang pagsulong ng sundalo sa gitnang
Butig.

Aniya, 12 mga iba pang miyembro ng Maute group ang sugatan sa bakbakan.

Samantala, umabot na sa 35 sundalo ang nasusugatan mula nang magsimula ang labanan.

Read more...