NAGWAGI ng tigatlong gintong medalya ang mga swimmer na sina Maenard Batnag ng Baguio City at Christian Paul Anor ng Banganga, Davao Oriental kahapon sa Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships na ginaganap sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex, Tagum City.
Nanalo ang grade 7 pupil ng Baguio City National High School na si Batnag sa boys’ 12-under 200m backstroke, 200m butterfly at 100m back habang ang 17-anyos na si Anor ay nanaig sa 200m back, 100m freestyle and 100m back sa 13-17 age bracket.
Inaasahang aani pa sila ng mga medalya sa pagpapatuloy ng swimming competition ngayon. —Angelito Oredo
READ NEXT
Boy kay Mercedes Cabral: Walang bastusan, wala siyang karapatang tawaging ‘fuc***in idiot’ si Mother!
MOST READ
LATEST STORIES