Boy kay Mercedes Cabral: Walang bastusan, wala siyang karapatang tawaging ‘fuc***in idiot’ si Mother!

mercedes cabral at boy abunda
NAKATSIKAHAN namin si kuya Boy Abunda last Monday bago siya sumalang sa Tonight With Boy Abunda kung saan guests niya sina Vice Ganda, Erik Santos, Jonathan Manalo at iba pa.

Habang nagbibihis ang King of Talk ay hiningan namin siya ng reaksyon tungkol sa mga pelikulang napili para sa 2016 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa Dis. 25.

Halos 80% ay hindi pumabor sa desisyon ng MMFF screening committee, bakit daw inisnab ang mga pelikula nina Vic Sotto, Coco Martin, Vhong Navarro at Vice Ganda na siguradong papatok daw sa mga bata lalo’t Pasko nga ito mapapanood.

Simulang sabi ni kuya Boy, “Do you really want change? You know what, mayroon kang eight-member screening committee na in-appoint at napakaganda ng membership from Nick Tiongson, Crispina Belen, Ping Medina, Mae Paner, Krip Yuson na ibig sabihin ay sinunod nila ang criteria na sa pagpili (like) 40% story and audience appeal.

“So kung ano ang istorya ng walong (pelikula) ay subjective, kanila (screening committee) ‘yun, at ang 40% technical excellence, meron din silang pamantayan because Krip Yuson is there, 10% is global appeal and 10% Filipinos sensibility. Kaya anong reklamo natin?

“Ngayon kung hindi kumita, e, problema ‘yun ng MMFF, bakit natin poproblemahin? Bakit natin uunahan? Malay mo, there will be some good results. Ang akin lang, bakit hindi natin subukan, panoorin muna natin,” paliwanag sa amin.

At tungkol sa komento ng tatlong producers na hindi nakasama sa MMFF, “I will not comment on that because that is their opinion kasi inilagay din sa ating isipan halimbawa na ang premise na ang Metro Manila Film Festival ay pambata, e, wala naman yata sa criteria yun.

“Silang walo (screening committee) ay sinunod lamang ang criteria, anong magagawa natin? May usapan yata na apat mainstream, apat indie na hindi naman yata ina-announce sa lahat, di ba?” pahayag ng TV host.

Samantala, naglabas din ng opinyon niya si kuya Boy sa pagtawag ni Mercedes Cabral kay Mother Lily Monteverde ng “fuc***ing idiot.”

“Ang ayoko lang, name calling. Una, puwede naman tayong magdebate, pero walang bastusan, walang name calling, wala siyang (Mercedes) karapatang tawaging fuc***ing idiot si Mother Lily.

“For whatever reason, naghahanap-buhay si Mother Lily at hindi illegal, kung pinapanood ang kanyang mga pelikula ay kagustuhan iyon ng mga tao, pero walang ninakaw si Mother Lily, walang niloko, walang kaban ng gobyerno na ninakawan ni Mother Lily.

“Wala akong utang kay Mother Lily ha, hindi ako kumakampi kay Mother dahil kailangan ko siya, hindi. I’m coming from a point of fairness, pero ito rin ang producer na nagbigay sa atin ng Relasyon (1982), Sister Stella L (1984), I mean may body of work din naman ang producer na ito, she’s not a fuc***ing idiot at walang karapatan si Mercedes Cabral na sabihin iyon.

“Makipagdebate ka na lang nang maayos doon sa mga puntos na gusto mong ilahad, pero huwag mong i-disrespect ang taong ito dahil may karapatan din naman siya bilang producer. Sumobra siya, she has crossed the line. I don’t think, she has any right to call anybody a fuc***ing idiot,” aniya pa.

q q q

Samantala, tinanong din namin ang confidant/bestfriend ni Kris Aquino kung saang network na mapapanood ang Queen of All Media, “Wala pa, the closest that I could guess is siyempre Channel 7, ito usapang klaro kasi si Tony Tuviera supplies talents but Tony is not exclusive to Channel 7, so hindi ko alam,” pahayag ng TV host.

Dagdag pa nito, “Naniniwala ako na hindi lulubog ‘yang babaeng ‘yan. Don’t worry about her, let’s worry about ourselves!” tumawang sabi ni kuya Boy. “Magandang quote ‘yan. But seriously, she’ll be okay.”

Ano naman ang masasabi ni kuya Boy sa Instagram post ni Kris kamakailan na, “ABS-CBN no longer wants me.” Walang nakitang masama ang King of Talk sa post ni Kris, “Ang pinanggagalingan na ngayon ng reaksyon dapat sa puso, that’s why the word of the year ng Oxford (dictionary) ay ‘post truth.’ (Kaso) hindi nga, eh. Dapat sa ating mga nakatatanda, ang basehan ng mga reaksyon ay hindi likes, hindi bashers.

“‘Yung sinabi ni Kris hindi ko alam kung makakabuti sa kanya o hindi. Dati sinasabi nila, bawal magmura pag eleksyon, pero ngayon ito ang gusto ng tao. So it’s time for examination, malay mo tayo ang nagpapakapormal, baka naman gusto nakaupo lang tayo, pormal, e, wala tayong nahihita. Baka naman si Kris is experimenting hindi ko alam,” ayon pa sa TV host.

Read more...