Disability claim matatanggap na

DEAR Aksyon Line, Noong May pa nang mag-file ako ng disability claim dahil ako po ay nagda-dialysis na, pero hanggang ngayon ay wala pa raw ang claim ko.
Nagtataka lang ako kung bakit direct na sa bank ang pagkuha ng claim at hindi na sa pamamagitan ng tseke ay lalo pang tumagal.
Mag-follow up din po ako ng status. Thanks.
Carmencita
Rosales-Musall
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail hinggil sa katanungan ni B. Carmencita Musall ukol sa kanyang disability claim.
Malugod naming ipinaaalam kay B. Musall na natapos na ang pagproseso ng kanyang disability application. Siya ay makatatanggap na nang pensyon sa loob ng 14 na buwan.
Maaari na niyang i-withdaraw ang kanyang lump sum pension na nagkakahalaga ng P59,992.
Makatatanggap na siya ng buwanang pensyon na nagkakahalaga ng P7,499 simula ngayong Nobyembre 2016.
Sana ay nasagot namin ang kanyang katanungan. Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Assistant Vice President
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...