Sulat mula kay Maria Mhamba ng East Rembo, Fort Bonifacio, Makati City
Problema:
1. Sa kasalukuyan ay mayroon po akong chatmate na foreigner. Kapag daw nakapag-file na siya ng vacation leave this coming December or by January ay papasyalan at dadalawin daw niya ako sa Pilipinas. Kung magiging okay daw ang lahat, pakakasalanan niya na rin daw po ako at isasama sa bansa nila.
2. Taga-Norway po siya, Sir Greenfield, at sa totoo lang po ay maganda ang usapan namin dahil pakakasalan daw po niya ako at isasama sa bansa nila para doon na kami manirahan.
3. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung matutupad kaya ang pangako niyang ito? Makapag-aasawa po ba ako ng isang foreigner at mapaninirahan sa ibang bansa? December 13, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Maria Mhamba ng Makati City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing papalarin ka sa pag-aasawa, higit lalo kung ang lalaking foreigner na ka-chat mo ay may zodiac sign na Leo o Aries dahil tugma at ka-compatible mo siya.
Numerology:
Ang birth date mo namang 13 ay nagsasabing kahit na mahirap lang ang buhay n’yo o kung anupamang mundo o lipunan ang ginagalawan mo sa ngayon, tiyak ang magaganap sa pagtatapos na ito ng 2016 hanggang 2017— maraming magagandang kapalaran at kakaibang suwerte ang iyong aanihin.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na kayo na nga ang magkakatuluyan, sa unang pagkikita nyo ng foreigner ay magsuot ka ng damit na kulay yellow o kaya’y red. Iyon na nga ang malinaw na palatandaang siya na ang ang iyong mapapangasawa. At kapag napangasawa mo siya, habambuhay ka ng uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at Paalala:
Bihira lang ang mga taong sinuwerte sa pakikipag-chat lalo na sa mga foreigner. Ang nakatutuwa, Maria Mhamba, kabilang ka sa kanila. Tulad ng naipaliwanag na, sa huling yugto ng taong ito ng 2016 ay darating ang ka-chat mong foreigner sa ating bansa upang lalo pang pagtibayin ang iyong ugnayan, hanggang sa mauwi na ang inyong pagkakaibigan sa isang lehitomong relasyon na sa taong 2017 sa edad mong 27 pataas ay tuluyan na ring hahantong sa isang masaya at panghabambuhay ng pagpapamilya sa bansang Norway.
May ka-chat na foreigner (2)
READ NEXT
Tigatlong ginto kina Batnag, Anor
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...