Regine kay Jona: Hindi ka lang Queen of the Night, you are queen, period!!!

regine velasquez at jona

MISMONG si Regine Velasquez pala ang tumawag ng “Queen” kay Jona (Viray) nang mag-guest ito sa katatapos lang na “Queen of The Night: Jona.”

Nagpasalamat din ang Asia’s Songbird sa Kapamilya Network dahil sa ibinigay sa kanyang chance na makasama uli ang anak-anakan niyang si Jona sa stage at maka-duet ito. Ilang buwan na ring nasa ABS-CBN si Jona matapos nitong lisanin ang GMA.

“I would like to personally thank ABS-CBN for giving this young lady a chance. You know, she deserves it. She’s one of the few na sobra pong talented and I really, really believe in her and I’m so happy that you have this concert. Ang dami-daming tao!” sey ni Regine.

“And may I just say that you are not only queen of the night, you are queen period,” pahayag ng Songbird na sinundan ng malakas na palakpakan mula sa audience. Nag-duet ang dalawa sa kantang “I Believe I Can Fly”.

Next year, mapapanood na rin sa ABS-CBN ang asawa niyang si Ogie Alcasid matapos mag-expire ang contract nito sa TV5, isa siya sa magiging judge sa unang Your Face Sounds Familiar Kids Edition.

Biro nga ni Regine nang mag-guest sa concert ni Jona, “Saka malaki ang ibinayad sa akin ng ABS-CBN dito. Saka ‘yung asawa ko nandoon na so malaki daw ibabayad sa akin ng ABS-CBN.”

Read more...