“HINDI ako naapektohan sa paninira. Picture ni ping with da pakyu sign? So low. Lalo na sa mga naniniwala agad. Inspect.. know the truth. Wag mag judge agad. Plastic na industria. Tara!!! Lawyer up guys!!!”
That was Baron Geisler’s initial reaction to the long aria posted by Ping Medina on his Facebook account.
Then, Baron posted a six-minute video in which he said that he made paalam the scene where he urinated on Ping sa isang eksena nila sa movie being directed by Arlyn dela Cruz.
“Unang-una, Ping, nagpaalam ako sa iyo. Ms. direk Arlyn, nagpaalam po ako sa inyo du’n sa gagawin ko. May sinabi po akong statement, hindi n’yo binasa. Hindi n’yo alam kung ano ang pinagagawa n’yo.
“Pangalawa, wala tayong kontrata pero ang pinagagawa n’yo sa akin manakit o manampal at sinampal din po ako. So, akala ko iyon po ang game, game plan ninyo.
“Ako po’y…sige, okay lang tanggalin ako sa industriya. Okay lang, walang problema. ‘Yung akin lang, ‘yung katotohanan ay mailabas. May behind the scenes bago mag-shoot at nagpaalam ako sa inyo, three times or more. Pagkatapos ng eksena nilapitan ko kaagad si Ping at sinabi ko ‘I’m so sorry’,” esplika ni Baron.
“So, ano po nitong ginagawa ninyo sa akin ngayon? Pinapakita n’yong masama akong tao? Pinapakita n’yo hindi ako tunay o may isang salita? Actually, may isa akong salita. Kayo ang walang isang salita.”
Baron dropped hints na wala siyang kontrata for the indie film, “Unang-una, kapag gumawa ka ng pelikula dapat may legalities ‘yan. Dapat may sina-sign po tayo na agreement form o kung anuman ang tawag diyan. Actually, ibig sabihin lang noon dapat may kontrata. Tapos ngayon sinisira ninyo ang pagkatao ko.”
Pinagsabihan pa niya si Ping na, “Ping, pare, ‘di mo kaya yon? Then if you can’t take the heat, get the hell out of the kitchen. Tapos pinuck-you sign mo pa ako. Pare, mali.”
Hamon pa ni Baron, “Ilabas n’yo lahat ng video. BTS (behind-the-scene), ‘yan ang makakapagpatunay dahil before ka ginapos, ako pa ang nagsabi ‘paupuin naman si Sir Ping. Nakakahiya, hirap siya.”
“Bakit ninyo ako ginaganito. Meron ba kayong vendetta against me? Wala naman akong ginagawang mali sa inyo. They all think I’m bastos actor. Eh, hindi nila alam si direk mismo ang magbubulong, ‘o, para magulat saktan mo ng konti’.
“Tapos ikaw, sige, naihian kita pero nagpaalam ako three times kahit sa ‘yo. Naka-record ‘yan sa behind-the-scenes, puwera lang kung binura n’yo. Puwera lang kung binura n‘yo. Pero wala akong binastos, man.”
Sa isyung lasing siya nang kunan ang eksena, say ng actor, “Lasing? Ano’ng lasing? Pakita n’yo lahat ‘yung mga eksena tapos saka natin pag-usapan.”
Sa huli ay naghamon pa si Baron na idaan na sa korte ang lahat, “Lawyer up. Sige na. Puwera lang kung binura na lahat ng BTS shoot dahil before pa mag-shoot nu’ng last scene natin, lahat ‘yon naka-record. Pito pa nga yatang camera ang gamit ninyo.”
For his parting words, Baron said, “Sinungaling kayo. Ang sama ng mga puso n’yo. Magdasal kayo. Mahal ko kaya at nirerespeto ko kayo. Maraming salamat. Direk Arlyn, sinasabi mo na mahal mo ako. Ito ang tinatawag na kaplastikan at manggagamit at walang paninindigan.
“Magkita-kita tayo sa kung saan. Totoo ito. Sige, salamat.”