BALIKTAKTAKAN na naman sa social media ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.
Nag-ugat ‘yon sa post ni Clau sa umano’y pananakit sa anak nilang si Santino ng kamag-anak umano ni Raymart. Hanggang gabi ng Lunes ay nagpapa-interview sa radio program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz ang aktres.
Ang huling hirit ni Claudine nu’ng gabing ‘yon sa Instagram account niya ay matinding banat sa dating asawa na nagsabing frustrated siya sa mga alegasyon ng aktres dahil pinalaki lang nito ang away bata.
“Away bata talaga Raymart! 10 years old si Santino at yung pamangkin mo 27 YEARS OLD? Bata ba yun? Duwag ka! Minsan lang kahit minsan magsabi ka naman ng toto. Your kids called u Liar after this interview.
“Stay away from us!! I mean it pay the freaking Ariers. Cuz u only have up to Nov. 30 sabi ng court, unless gusto mo uli magbayad ng bail sa mga warrant of arrests mo. Ibalik mo na mga ninakaw mo then leave us in peace @raymartsantiago!”
Balitang magsasampa din ng child abuse, physical injury at Violation Against Women and their Children Act laban sa kaanak ni Raymart.
Sa huling post ni Raymart sa IG, ang skydiving activities niya ang mga naka-post doon. Wala pa siyang sagot sa mga bagong paratang ng nakahiwalay na asawa.