Kristoffer, Joyce pinaligaya ang mga Davaoeño

joyce ching at kristoffer martin

NAGING mainit ang pagtanggap ng mga Davaoeño at Tagumeño sa KrisJoy loveteam nina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa Kapuso Mall Show ng GMA Afternoon Prime na Hahamakin Ang Lahat sa Robinsons Place Tagum noong Nov. 18.

Bukod sa kanilang solo song performances, pinakilig nina Kristoffer at Joyce ang mga manonood sa kanilang duet, patunay lang na isa pa rin ang KrisJoy sa mga pinakaaabangang love team ngayon.

“Sobrang saya mag-perform sa mga Kapuso nating Davaoeños at Tagumeños,” sabi ni Kristoffer.

“Sobrang init ng pagtanggap nila sa amin at talagang nanunuod sila ng Hahamakin ang Lahat. Ramdam na ramdam namin ang energy ng ating mga Kapuso. We’ll surely be back soon,” dagdag pa nito.

“Maraming salamat po sa mga Kapusong Davaoeños at Tagumeños na nagpunta sa mall show namin lalo na sa mga Chinglovers at KrisJoy Royalties na andun. Salamat sa mainit na pagtanggap at sana patuloy ninyong suportahan ang Hahamakin ang Lahat,” ani Joyce.

Balik-tambalan sa telebisyon ang dalawang Kapuso stars sa Hahamakin ang Lahat, isang drama na nagpapakita ng mas mature na KrisJoy. Umiikot ang kuwento sa pakikipagsapalaran ng mag-ina mula sa isang Filipino-Chinese family.

Read more...