SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy ang kanyang biyahe bukas sa Marawi City sa kabila ng pagsabog ng isang improvised explosive device sa lalawigan na ikinasugat ng siyam na sundalo, kabilang na ang pitong miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Sa kanyang talumpati sa Nueva Ecija, idinagdag ni Duterte na itutuloy niya ang kanyang nakatakdang paglipad sa lalawigan sa kabila ng payo sa kanya na ikansela ito.
Tiniyak naman ni PSG spokesperson Michael Aquino na handa ang PSG na tiyakin ang seguridad ni Duterte sakaling tuloy ang kanyang pagbisita.”Tight talaga ang security natin, kahit saan tayo magpunta, hindi naman tayo nagpapabaya, talagang alert tayo, naka-alert tayo palagi at tsaka yung mga tropa natin, trained talaga iyan, maganda rin ang mga training ng tropa natin,” sabi ni Aquino.
Idinagdag ni Aquino na kabilang ang sugatang miyembro ng PSG sa advance party ni Duterte.
“IED exploded when the advance party passed by the area; 1 of the 7 had serious injuries; troops now taken to Cagayan for treatment; names can’t be released yet as they have to inform the family first,” ayon pa kay Aquino.
Idinagdag ni Aquino na inaalam na kung anong klaseng pampasabog ang ginamit para malaman kung sino ang nasa likod ng insidente.
Sinabi pa ni Aquino na hindi pa matiyak kung si Duterte ang target ng pagsabog.
MOST READ
LATEST STORIES