Sey mo Luis...Ryan handa nang bigyan ng apo si Ate Vi | Bandera

Sey mo Luis…Ryan handa nang bigyan ng apo si Ate Vi

Ambet Nabus - November 29, 2016 - 12:10 AM

vilma santos

NAIBAHAGI rin sa amin ni Ate Vi na nag-eenjoy siya sa Kongreso bilang mas marami siyang oras ngayon para magbasa, mag-analisa at mag-formulate ng mga gusto niyang isulong na batas.

“Ibang-iba nu’ng nasa Executive branch pa ako. Du’n kasi direkta agad ang pag-implement ng mga project. Dito, bubusisiin mo ang batas na siyang gagamitin ng Executive branch for such things. I can say na nagugustuhan ko ito. Iba ang adrenalin rush na naibibigay sa akin,” dagdag pa ng Star for All Seasons.

Pero never daw niya talagang isinakripisyo ang araw ng Linggo for her family. Yun man lang daw ang ibigay sa kanya dahil pati ang pagiging isang Kristiyano niya ay sa araw din ng Linggo niya mas napagtutuunan ng pansin.

Muli ring binanggit ni Ate Vi na “nginangarag” na niya ang ampon naming si Luis Manzano para mabigyan na siya ng apo.

“Mas napapadalas na ang biruan namin tungkol diyan. Minsan nga may ganting biro na si Ryan (anak nila ni Sen. Ralph Recto), siya na lang daw ang magbibigay sa amin (ng apo) anytime. Ha-hahaha! Siyempre sinasaway ko agad dahil ang bata pa nu’n!” kuwento pa ni Ate Vi.

At nang tanungin namin kung pabor na ba siya kay Jessy Mendiola para kay Luis, mabilis ang naging tugon niya, “Never ko namang kinuwestyon ang anak ko sa mga mga ganyang bagay. Wala naman akong hindi nagustuhan sa mga ipinakilala niya. Siya naman ang magdedesisyon at the end of the day.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending