Erap kumanta, Jake napasayaw sa b-day concert ni Michael

erap estrada at michael pangilinan

NAPAIYAK si Michael Pangilinan when we asked him kung ano ang kanyang birthday wish.

“Wala akong ibang wish. All about my baby lang,” teary eyed na sabi ni Michael after his “Si Erap, Si Michael at ang mga Manilenyo” concert at Raja Sulayman sa Manila last weekend.

“Kanina bago ako pumunta sa concert wish ko sana maghimala na bigla na lang iakyat (ang baby ko sa stage),” say niya.

Parang nakiusap pa siya sa mother ng kanyang baby when he said, “Kunwari, baliktarin natin. Birthday, eh. Ano ba naman ‘yung…kahit hindi ikaw ang magbigay ay ipasuyo mo lang (ang baby). ‘O, ihatid mo lang ito doon.’ Hindi malaking bagay ‘yon, ‘yun ang buhay ko. Birthday ko, debut ko, kasama ko ‘yung anak ko?”

Before the concert ay “Humihingi ako ng dasal sa lahat. Sana ipagdasal n’yo rin na sana (dumating ang baby ko). Sana magulat ka na lang. Sana sorpresahin ka. Ganoon ang gusto nilang mangyari. So umasa ako kasi…kung matino ka, birthday nu’ng tatay, ano ba naman ‘yung mag-effort ka kahit kaunti.”

Successful naman ang concert ni Michael. Aba, napakanta niya si Mayor Erap Estrada, napasayaw si Jake Ejercito at sandamakmak ang nag-guest tulad nina KZ Tandingan, Ate Gay, Duncan Ramos, Luke Mijares, Kiel Alo, Boobsie, Marion, Garie Concepcion, Nikko Natividad, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Atak, Harana, Jimmy Bondoc, Richard Parojinog at Stefanie.

Read more...