Direktor, artista na kasali sa MMFF nag-iingay para sa libreng publicity

viber image

GUSTO kong isiping sumasabay lang sa ingay ng mga kontrobersya sa MMFF ang may mga indie film entries para libreng publicity sa kanilang mga pelikula.

Sa totoo lang nakakapikong basahin ang kanilang mga opinion, pero sabi nga, karapatan nilang magpahayag at magyabang tungkol sa mga entry nila sa taunang filmfest.

Tulad nga nitong hubaderang si Mercedes Cabral na amin din namang tinangkilik at sinuportahan sa kanyang mga indie movies na feeling sikat na sikat na ngayon. Pero saan nga kaya siya nakakuha ng lakas ng loob at tigas ng mukha na sabihan si Mother Lily Monteverde ng “fuc***in idiot”?

Nandiyan din sina Erik Matti at Alvin Yapan, mga direktor na hindi pa naman matatawag na kalebel nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Mike de Leon, Celso ad Castillo at iba pang direktor na naging bahagi rin noon ng MMFF.

May angas at yabang na kasi ang pagtatanggol nila sa kanilang mga pelikula na akala mo’y mga super henyo na dahil nakapasok lang sa MMFF 2016 ang mga movie nila? At para tawagin ang kanilang mga sarili na “the renaissance” of Philippine movie industry – aba’y teka lang muna!

Kung publicity at ingay lang ang habol para mapag-usapan ang entries nila, fine. Pero huwag naman sanang balewalain at gawing nega ang mga pahayag ng legitimate producers/directors and writers sa industriya, na mas marami nang napatunayan sa filmmaking kesa sa kanila.

At sa mga ipinagmamalaki nilang obra na entry sa MMFF, let the moviegoers be the judge. At the end of the day, sino ba ang hindi gustong kumita?

Hindi rin namin gustong gastusin ang aming hard-earned money sa mga mayayabang na obra at pretensyosong nagdidikta at nagtuturo sa lipunan!

Hello! Matino rin kaming gumradweyt sa kolehiyo at keri din naming harapin ang mga hamon ng buhay sa mga media na responsable naming nagagamit noh!

Read more...