PUMAYAG na si Sen. Richard Gordon sa panukalang inisyal na P1,000 karagdagang pensyon sa Social Security System (SSS) simula Enero 2017.
“Payag kami na P1,000, and then in the year 2020 siguro, malalagyan baka earlier,” sabi ni Gordon matapos ang pagdinig ng Senate committee on government corporations and public enterprises, na kanyang pinangungunahan.
Tutol naman is Gordon sa P2,000 karagdagang pensyon sa SSS.
“Hindi kakayanin e. Ang kanilang reserves mako-compromise e, Ayaw naman nating malugi. Nagbigay tayo ng pansamantalang kaligayahan only to find out later on hindi makakayanan,” dagdag ni Duterte.
Sinabi pa ni Gordon na suportado rin ng Kamara na ibigay ang 2,000 karagdagang pensyon sa SSS ng dalawang bigayan.
Aniya, susubukan ng kanyang komite na ipasa ito bago ang bakasyon ng Kongreso para sa kapaskuhan sa Disyembre 14.