Vic sa MMFF: Wag ipasubo ang ayaw naming kainin kapag Noche Buena!

vic sotto

“KUNG ako ay may sama ng loob, ito’y hindi para sa akin kundi para sa mga bata!” Ito ang diretsong sagot ni Vic Sotto sa tanong tungkol sa pang-iisnab ng MMFF 2016 sa pelikula nilang “Enteng Kabisote 10 & The Abangers”.

“With all due respect sa mga kasamahan natin sa pelikula, for the first time in so many years, panahon pa nina FPJ (Fernando Poe, Jr.), Dolphy hindi nawawalan ng pambata kapag pinag-usapan ang filmfest.

“Ako naniniwala ako sa salitang respeto, respetado ko ang panlasa ng bawat tao. I am talking about panlasa, kasi nirerespeto ko ‘yung panlasa ng screening committee, I have nothing personal against them, para sa akin nirerespeto ko ang panlasa nila ay ganito o ganu’n.

“Pero kapag dumarating ang Pasko, mayroon tayong panlasang mga Pinoy na nagkakaisa tulad kunwari sa Noche Buena, ang panlasa natin kailangang may spaghetti or kapag medyo nakaka-LL (luwag-luwag) ka, may hamon pa, keso de bola o kaya kapag super-LL ka, may litson, di ba. Yan ang panlasa ng Pinoy pagdating ng Pasko.

“At alam nating lahat, pagdating ng Pasko, inaabangan ito (MMFF) ng buong pamilya. Yung mga pelikulang mapapanood nila ay alam nating mapapanood ng mga bata, may panahon na ang nakakapili sa una o ikalawang araw ang pumipili ng panonoorin ay mga bata.

“And once a year, nagkakaroon sila ng sarili nilang pera galing sa aginaldo ng mga ninong at ninang. Ang masakit lang para sa akin, hindi nila nirespeto ‘yung panlasa na ‘yun ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.

“Nirerespeto ko ‘yung mga pelikulang kasama sa festival ngayon gaya ng Babae Sa Septic Tank 2 (directed by Marlon Rivera na direktor din ng Enteng Kabisote 10), ako napanood ko yung first (franchise) nu’n, bago kami nagkatrabaho ni direk Marlon, sana man lang nagsama sila ng puwedeng panoorin ng bata,” ang malumanay na paliwanag ni Vic sa ginanap na grand presscon ng “Enteng Kabisote 10”.

May katwiran naman talaga ang isa rin sa haligi ng movie industry tulad ni Mother Lily Monteverde dahil nu’ng mapanood namin ang trailer ng mga pelikulang kasama sa Magic 8 ng 2016 MMFF ay wala naman talagang puwedeng panoorin ng batang 10 taong gulang pababa.

Dagdag pa ni Bossing, “Personal kong opinyon ‘yun, sabi nga nila final decision na, unanimous (daw) and I respect that, sana lang nirespeto rin ng komite ‘yung panlasa ng Pinoy. Kumbaga spaghetti, bigla mong papalitan ng cracklet, ang baho no’n. Hindi lahat ng tao gusto ‘yun.

“Kidding aside ‘wag mong isubo sa amin ‘yung hindi namin gustong kainin pagdating ng Noche Buena, doon lang naman ako nalulungkot. Pero gayun pa man, medyo napaaga lang ang Pasko ng mga bata at siguro, this will be a blessing in disguise dahil mas magiging mahaba ‘yung aming showing, pag buwenas, baka umabot din ng Pasko at Bagong Taon,” esplika pa ni Vic.

At dahil MMFF lang naman ang usapan ay hindi raw kasama sa patakaran ng MMFF ang provincial movie houses kaya malamang na ipalalabas ang mga pelikulang “Enteng Kabisote 10”, “The Super Parental Guardians” at “Mano Po 7: Chinoy” sa Dec. 25.

Sa madaling salita, tuloy ang masayang Pasko ng mga bata sa mga probinsya. Ang “Enteng kabisote 10 And The Abangers” ay mapapanood na ngayong Nob. 30 mula sa direksyon nina Marlon Rivera at Tony Reyes.

q q q

Hindi na kasama si Jed Madela bilang hurado ng Kids edition ng Your Face Sounds Familiar – ang bagong lipat sa Kapamilya network na si Ogie Alcasid ang kapalit niya.

Anong nangyari, bakit bilang na-out si Jed gayung orihinal siyang hurado sa YFSF? Naka-chat namin ang TV host-singer tungkol dito.

“Hi Reggee! Hindi po ako umalis ng YFSF. The franchise owner of the show has a rule for this new format of YFSF. The rule requires the judges to be PARENTS since it will be involving kids.

“Yes, I’m sad, but we have to follow and respect the rules of the franchise owner. Hopefully, for the next adult season, they’’ll put me back in,” sagot ni Jed.

Timing din daw dahil marami siyang rin out-of-the-country shows, “I’ll also be away for most of the time. Next year will be really busy. I’’ll be doing a concert tour in the US, Canada and Europe,” sabi pa ni Jed.

Read more...