Aktor may sariling mundo kaya naaakusahang suplado, maldito

MADALAS mapagkamalang suplado ang isang aktor na gabi-gabing napapanood ngayon sa isang serye ng isang malaking network. Mailap din siya sa mga interbyu at hindi gaanong nakikisalamuha sa kanyang mga katrabaho.
Komento ng iba ay may sariling mundo raw ang magaling na aktor, pero hindi naman siya pinoproblema ng produksi-yon, dahil kapag oras na ng trabaho ay palagi siyang take one.
Sa entablado nagsimula ang mahusay na aktor, ngayon pa lang siya sumasalang sa mga serye, naninibago si-guro siya sa sistema.
Pero mas kapani-paniwala ang mga kuwento ng mga dati niyang kasamahan sa teatro, kabaligtaran ’yun ng mga istoryang kumakalat ngayon tungkol sa kanya, maganda raw ang puso ng aktor.
Sabi ng isang source, “We are so happy for him, expected na naming dara-ting sa kanya ang ganito kagandang opportunity. Very professional kasi siya, hindi mukhang pera, magaling siyang umarte.”
‘Yun ang malaking advantage ng mga artistang nanggaling sa theatre plays, walang take two sa kanila, kaya ’yung pinaka-best nila ang kailangang maipakita nila sa manonood.
“At ‘yun si ____ (pangalan ng aktor na napapanood sa serye ng isang sikat na loveteam), hindi siya kailanman magiging problema ng production dahil very professional na siya, e, magaling pa.
“At very humble ang bata, never mo siyang kakikitaan ng kaangasan, kaya niyang makibagay sa lahat ng klase ng tao. In fact, mas malapit pa nga ang loob niya sa maliliit na trabahador ng production,” papuri ng source-direktor ng entablado sa magaling na aktor.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa bang sabihin ang ‘till you meet him, para maniwala kayo na walang kayabang-yabang sa katawan ang magaling na aktor?

Read more...