Mercedes Cabral di pa sumisikat, nalaos kaagad matapos murahin si Mother Lily

Kaliwa’t kanan ang inaaning bira ngayon ng starlet na si Mercedes Cabral.
Siya ang tinaguriang reyna ng mga indie movies na buong-ningning na tumawag ng f—king idiot sa nirerespetong prodyuser na si Mother Lily Monteverde.
Napaka-harmless naman ng sinabi ng Regal producer nang lumabas na ang resulta ng pilian para sa mga pelikulang ipalalabas sa Metro Manila Film Festival, hindi nito minaliit ang mga pelikulang indie, nalungkot lang ito dahil nasanay na ang mga batang Pinoy na meron silang pinanonood kapag dumarating ang MMFF.
Nang dahil dun ay kung anu-anong upak na ang ginawa ng starlet na si Mercedes Cabral kay Mother Lily, huwag na raw magtago pa sa katwirang nakakaawa ang mga bata ang prodyuser, dahil ang totoong naglalaro raw sa utak nito ay ang kanyang kikitain sa MMFF.
Mas mabuti pa raw na magbayad na lang nang wasto si Mother Lily sa mga nagtatrabaho sa kanyang produksiyon, fucking idiot, direkta pang bira ng starlet sa nirerespetong prodyuser sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Napakapangit sa panlasa ng mga sinabi ng starlet, sa edad na edad na lang ng prodyuser ay hindi man lang siya nahintakutan, walang respeto sa mga nakatatanda ang Mercedes Cabral na ito.
Kung gusto niyang magpakontrobersiyal para mapansin siya at para kahit paano’y kumita naman ang pelikulang pinagbibidahan daw niya sa MMFF ay maling-mali ang hakbang na ginawa ng starlet na ito.
Nasa Pilipinas siya, ayaw na ayaw ng mga kababayan natin sa mga taong walang respeto sa mga nakatatanda, tingnan na lang natin kung ano ang magiging kapalaran ng babaeng ito sa MMFF.
Gustong makita nang personal ng mga taga-showbiz si Mercedes Cabral para pamukhaan siya na magdahan-dahan sa pagpapakawala ng mga mapanakit na komento.
Sa isip ng mas nakararami ngayon ay laos na agad si Mercedes Cabral kahit hindi pa siya sumisikat.
The who?

Read more...