11 bandido dedo sa engkwentro

AABOT sa 11 miyembro ng teroristang Maute group ang napatay habang lima pa ang nasugatan matapos makipagbakbakan sa militar sa bayan ng Butig sa Lanao del Sur.
Sabado ng umaga nang magkasagupa ang grupo ng Maute at militar, at nagpapatuloy hanggang kahapon.
Dahil dito, ayon kay Col. Edgard Arevalo, public affairs chief ng Armed Forces, pinalikas na ang mga residente sa lugar upang hindi maipit sa sagupaan na nagsimula alas-10 pasado ng umaga noong Sabado.
Sinalakay ng mga sundalo ang Butig matapos okupahan ng bandidong grupo ang munisipyo na una nitong nasakop noong Pebrero ngunit napatalsik ng pwersa ng pamahalaan ilang buwan na ang nakalilipas.

Dalawang sundalo naman ang naiulat na nasugatan sa engkwentro.
Ang Maute group ay kinabibilangan ng mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at pinamumunuan ni Abdullah Maute, na nagtatag din ng Dawlah Islamiya sa Lanao del Sur.

Read more...