WALA umanong dapat na ihingi ng paumanhin ang mga kongresista na nagtanong tungkol sa pag-ibig na namagitan kina Sen. Leila de Lima at kanyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.
Ayon kay House deputy speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro, nais lamang ng mga kongresista na matukoy kung gaano kalapit si Dayan kay de Lima upang pagkatiwalaan niya ito.
“Walang dapat ihingi ng paumanhin ang Kamara sapagkat hindi tama ang pananaw ng lahat ng bumabatikos sa naganap na pagdinig noong nakaraang lingo,” ani Castro. “Personally, I stand by my question, I stand by the way I asked those questions.”
Si Castro ang nagtanong kung wagas, da-lisay at matatag ang pagmamahal ni Dayan kay de Lima.
“Napaka-importante sa direksyon na aking tinatahak at direksyon ng aking pagtatanong para maabot ko ang conclusion na kung itong si Dayan ay isang credible o maaaring paniwalaan na testigo o hindi,” depensa ng solon.
Binatikos ang umano’y pagtatanong ng mga kongresista kay Dayan dahil lumalagpas na umano ito sa personal na buhay niya at ng senadora.
“Alam mo marami ang bumabatikos dahil daw nasagasaan, marami ang bumabatikos pero kung titingnan mo ito yung mga tao na may mga kinakampihan. Ito yung mga tao na one-sided ang paningin. Ito yung mga tao na ang kanila lamang sinasabi ang dapat mong paniwalaan,” ani Castro.
“Tingnan mo kung sino itong mga nagsasalita. Sila ba ay mga independent na tao? Tingnan mo kung sino ang mga tumutuligsa. Sila ba ay mga tao na walang kinikili-ngang pampulitika? Suriin mo ang kanilang pagkatao. Kung ano sila.
“Yan ang sinasabi ko na bago ka magsalita ay humarap ka sa salamin at tingnan mo ang sarili mo.” —Leifbilly Begas
Kongresista di magso-sori sa ‘pambabastos’ kay de Lima
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...