Dok na adik timbog sa pasyenteng pulis

DINAKIP ang doktor na nakuhanan ng shabu sa loob mismo ng kanyang clinic sa bayan ng Cordova, Mactan Island, Cebu City kamakalawa ng hapon.
Nagki-clinic si Dr. Benjamin Degamo, 42, sa kanyang bahay sa Golden Meadows Subdivision, Brgy. Gabi, Cordova.
Nakakulong si Degamo sa Cordova Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ngayong araw, a-yon kay PO3 Eleazar Llanes ng Cordova police.
Sinabi ni Llanes na pinamunuan niya ang team na rumesponde sa tawag mula kay PO1 Ricky Pepito, ng Cordova police, at nagkataong nasa clinic ni Degamo pasado alas-2 ng hapon noong Sabado para magpakonsulta dahil sa insomia.
Nakita niya ang isang lalaki na nag-abot ng isang maliit na pakete sa doktor.
Hinuli ni Pepito si De-gamo at naaktuhang hawak-hawak ang dalawang plastic ng sachet ng shabu. Nakatakas naman ang tulak.
Idinagdag ni Llanes na nalaman nila mula sa mga sumukong pusher sa Cordova na gumagamit ng shabu ang doktor at nagpapautos pa na bilhan siya ng shabu.

Read more...