GUGUNITAIN bilang isa sa pinakabastos o nakahihiyang imbestigasyon ang nangyaring 9-oras na House hearing noong Huwebes kay ex-driver bodyguard Ronnie Dayan, ang ex-driver, bodyguard at lover ni Senador Leila de Lima.
Piyesta ng kabastusan, sabi ng mga mora-lista, lalo pa’t hagikgikang ang mga miron sa “intensity” ng pag-iibigan nina Sen. de Lima at nang inamin niyang ex-lover.
May sampalan pa sa kataksilan daw nang matuklasan niyang si Warren Cristobal, MMDA motorcycle escort, PSG bodyguard Jonel Sanchez, ay mga kalaguyo rin.
Hindi ba’t pati si convicted drug lord Jayvee Sebastian ay sinasabing ‘lover’ din?
Pati “monthsary’ i-nurirat na inabot daw ng 7 years, ang reaksyon ng legal wife natanong din ang “sex video”.
Ibinandera rin ni Dayan ang P2 milyon na bigay raw ni Madam para magtayo sila ng bahay. Talagang parang nobela ni Xerex o Tiktik ang lahat.
Sa kabila nito, garapal ang inconsistencies sa salaysay ni Dayan na para bang pinraktis, umiiwas o sadyang itinabi ang importanteng detalye.
Una, paano sila nagkakausap ng drug lord na si Kerwin Espinosa bago sila nagkikita? Cellphone, text, telepono o panaginip?
Sabi ni Dayan, inuutusan siya ni de Lima na may kukunin siya kay “Engineer” Kerwin. Walang usap-usap, kukunin lang ang paper bag.
Pero, nang magpunta sila sa Baguio, ipinakilala niya si Kerwin kay De Lima. Sabi rin ni Kerwin, si Dayan ang nagpakilala sa kanya kay de Lima. Ano ba talaga?
Sabi ni Dayan, di niya kilala si Chief Inspector Jovy Espenido pero sabi ni Kerwin sa Senado, si Espenido ang nagpakikilala sa kanya kay Dayan. Bagay na pinabulaanan ni Espenido dahil hindi niya kilala si Dayan.
Ano ba talaga?
Ikalawa, magkano ang kinita ni Dayan sa kanyang “influence peddling” sa DOJ?
Inamin niyang pumaparada siya ng P11,000 sa higit 100 manok na isi-nabong niya. Dito pa lang, higit P1.2M ang i-pinusta niya.
Totoo ba ang balitang malakas magsabong itong si Dayan noon?
Siya ang nagpasok sa appointment nina Bucor Deputy Director Rafael Ragos at Director Franklin Bucayu kay de Lima. Alam nating si Ragos ay nag-intrega ng ilang beses ng pera kay Dayan at dalawang beses na tig-P5 milyon daw sa bahay ni de Lima, na parehong tinanggap ni Dayan.
Di lang alam kung nakarating sa Senadora.
Kung tutuusin, parang kay Dayan nakasentro ang buhos ng pera sa New Bilibid pri-sons. Lahat ng Drug lord pati director ng Bilibid ay nagaabot sa kanya ng pera sa paniniwalang tinatanggap ito ni de Lima.
Ikatlo, ilang beses bang nagkita sina Dayan at Kerwin?
Sabi ni Kerwin sa Senado, apat na beses , August sa MOA, October sa Macapagal ave. at Baguio city at panghuli sa MOA ulit Pebrero 2016. Pero, si Dayan limang beses daw silang nagkita at puro 2014 ang pinipilit, August, October at tatlong beses sa November. Ano ba talaga?
Sinasabi pa ni Dayan na wala na siya kay De Lima noong February 2015. Pinuwersa daw siyang mag-resign at sabi ni de Lima “Nakakahiya kasi,” at saka “Tama na rin ito para iwas gulo”.
Pero, bakit tumatanggap pa rin siya ng pera kina Kerwin noong 2015 at 2016 na wala na siya kay de Lima?
Bakit magkasama pa rin sila ni de Lima sa Burnham park, Baguio noong October 2015? Resigned na o Bagman?
Nagtatanong lang?
q q q
Ang ‘Wag Kang Pikon ay inilalathala tuwing Lunes. Para sa komento at tanong, mag-text sa 09163025071 o sa 09999858606, o mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com
Intensity 5 at wagas na bastusan sa Kongreso
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...