HINDI pa man din nag-iinit sa kanyang kinauupuan bilang bagong talagang vice mayor ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao, binaril at pinatay Linggo ng umaga si Anwar Sindatuk sa barangay Madia.
Dead on the spot si Sindatuk, ang numero unong konsehal na nanalo noong nakaraang eleksyon, at siyang iniupong vice mayor noong Oktubre matapos na mapatay ang alkalde na si Samsudin Dimaukom.
Ang misis ni Dimaukom na si Anida, na siyang bise alkalde ng bayan, ang siya namang pumalit sa pinaslang na alkalde.
Binaril si Sindatuk sa loob ng kanyang bahay.
Natamaan naman ng ligaw na bala ang 58-anyos na babae matapos ang insidente.
Napatay ang si Dimaukom at siyam na iba pa noong Oktubre 28 matapos ang isang drug operation.
Naunang pinangalanan si Dimaukom ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa narco-politician.
Napatay ang si Dimaukom at siyam na iba pa noong Oktubre 28 matapos ang isang drug operation.
Naunang pinangalanan si Dimaukom ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa narco-politician.
READ NEXT
Ombudsman pinaalalahanan ng Palasyo: Pwedeng mag-imbestiga pero hindi pwedeng disiplinahin si Duterte
MOST READ
LATEST STORIES