DALAWANG civilian agents ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nalunod habang isang pulis ang nawawala nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tomas Rentoy VII at Isagani Dadis. Kabilang ang dalawa sa team ng CIDG na naglayag kamakalawa sa kasagsagan ng bagyong Marce.
Nailigtas naman ang ibang sakay ng motorbanca, kasama si Chief Insp. Ronnie Fabia, ang CIDG provincial officer. Nawawala pa si SPO4 Edwin Pagao.
Galing ang grupo sa Tamban, Tinambac Port at magsasagawa sana ng rescue operations sa bayan ng Garchitorena.
Kahit naglabas na ng no-sail policy ang Philippine Coast Guard dahil sa bagyo, naglayag pa rin umano ang grupo sa karagatang sakop ng Lagonoy kung saan sinalubong sila ng malalaking alon.
— Radyo Inquirer
2 ahente nalunod, 1 pulis nawawala
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...