Teen actress Alexa Ilacad launches debut album ‘To the Moon & Back’

HINDI lang pag-arte ang kayang ipakita ng Kapamilya teen actress na si Alexa Ilacad.
Gamit ang kanyang angking talento sa pagkanta, handa na niyang tahakin ang susunod na kabanata sa kanyang career bilang ang pinakabagong pop rock artist ng Star Music.
Ayon kay Alexa na nakilala rin bilang ka-loveteam ni Nash Aguas, matagal na niyang passion ang pagkanta. Una rin siyang sumabak sa pagpe-perform sa reality music competition na We Love OPM at lubos na nagustuhan ito.
“Yung first reaction nila, ‘Di ba artista ka?’ Later on, sabi nila na revelation daw ako. Na-realize ko rin na ang sarap pala talaga magperform, especially with a live band. When the show ended sobra kong na-miss yung pagkanta and pag-perform on stage,” ayon sa singer-actress.
Kaya naman super grateful at feeling blessed si Alexa ngayong nai-release na ang kanyang debut album titled “To the Moon & Back.”
“Mas masaya ako ngayon na kinakanta ko na ang mga sarili kong kanta, naging more personal pa,” aniya pa sa ginanap na launching ng kanyang album kamakailan.
Laman ng “To the Moon & Back’ ang carrier single na “Pakipot, Suplado,” na meron na ring music video na idinirek pa ng Callalily vocalist at Kapamilya actor na si Kean Cipriano.
Certified hit na rin ang nasabing kanta dahil ilang linggo na itong nananatili sa “Biga10” ng MOR 101.9.
Proud din si Alexa dahil orihinal ang lahat ng awitin sa kanyang album na isinulat ni Eunice Jorge, ang vocalist ng rock band na Gracenote, na isa sa kanyang musical influences.
Ang mga kantang ito ay “Not Too Young,” “Kung Pwede Lang”, “Kahit Saan, Kahit Kailan,” “Dream Boat,” at “Puso.”
“Whoever listens to my songs will be blown away by how well-written they are. Sanay ang fans ko na mapanood akong umaarte sa mga sweet o dramatic roles. Sa album ko, naipapakita ko ang pop rock side ko ‘yung ako talaga,” saad ni Alexa.
Ang album ay ipinrodus nina Rye Sarmiento at Darwin Hernandez. Mapapakinggan na ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide soon. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang opisyal na social media accounts ng Star Music: ang www.facebook.com/starrecordsphil, at @StarMusicPH sa Twitter at Instagram.

Read more...