De Lima dapat nang magbitiw para di masira ang imahe ng Senado – Atienza

NANAWAGAN si Buhay partylist Rep. Lito Atienza kay Senador Leila de Lima na magbitiw na sa kanyang pwesto upang hindi masira ang imahe ng Senado.

Payo ni Atienza, dapat nang iwan ni de Lima ang Senado at ituon na lang ang sarili sa gagawin niyang pagtatanggol sa sarili sa korte.

“Secretary De Lima should not hold on to her post. She should immediately resign and concentrate on defending herself in court.  With Kerwin Espinosa’s and Ronnie Dayan’s testimonies, she has run out of time.  She has betrayed the public trust,” ani Atienza.

Dapat ay panghimasukan na rin umano ni Senate President Koko Pimentel ang isyu at hikayatin si de Lima na iwanan ang kanyang opisina.

“This will save and protect the credibility of the offices she has held– the Senate, the Department of Justice and the Commission on Human Rights.”

Bago pa naaresto si Ronnie Dayan, dating lover ni de Lima at umano’y taga-kolekta nito ng drug money, inirekomenda ng oposisyon sa Kamara de Representantes na kasuhan si de Lima.

Mas lalo umanong lumakas ang mga ebidensya laban kay de Lima sa paglabas ni Dayan at ng drug lord na si Kerwin Espinosa na umamin na nagpadala ng P8 milyon kay de Lima para sa pagtakbo nito sa Senado.

“The testimonies of the drug lords during the hearings and the additional statements of Espinosa and Dayan are more than enough reason to recommend the filing of charges.  It’s mind-boggling that a Justice Secretary would be involved in the collection of drug money.  And most telling of all is the shameful slapping incident narrated by Dayan when he found out she was two-timing him,” dagdag pa ni Atienza.

Read more...