Andi Eigenmann kinilala na si Jake Ejercito nga ang tatay ng kanyang anak

FOR the first time, inamin ni Andi Eigenmann na si  Jake Ejercito at wala ng iba, ang tatay ng kanyang anak na si Ellie.

Sa isang Instagram post ginawa ni Andi ang pag-amin na si Jake nga ang tatay ng kanyang anak, at nangyari ito sa fifth birthday ng bata kung saan dumalo si Jake.

Mukhang in good terms na rin naman ang mga magulang ni Ellie during her birthday celebration.

 

“Stay wild, yet humble, courageous, and vast,” wish ni Andi sa kanyang babay.

“And always know how loved you are. Not only by me and your daddy, but by so many. You are my greatest blessing.”

Jake also posted a sweet birthday greeting to little Ellie on Instagram. It’s a cute video of them having fun during a nighttime road  trip.

It’s been a rough few months for Andi and Jake.

Nagsimula ang lahat nang manahimik si Andi kung sino nga ba ang tunay na tatay ng kanyang anak matapos ibandera ng kanyang half sister na si Max na si Jake nga ang tatay. (Preen)

 

Read more...