Asean Transport Ministers Meeting dinedma lang

KATATAPOS lang ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) Transport Ministers Meeting pero parang walang balita na lu-mabas tungkol sa kung ano ang naganap, napag-usapan, at napagkasun-duan sa importanteng pagpupulong na ito.

Ang ASEAN Transport Ministers Meeting ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng transportasyon mula sa mga bansang miyembro ng ASEAN. Tinatalakay rito ang mga usapin tulad ng air and sea transportation connectivity between nations, transport safety issues at mga standards ng mga sasakyang pandagat, panghimpapawid at panglupa kabilang na ang mga transportation policies sa rehiyon.

Pero ang importante sa akin dito ay ang pag-lunsad at pag-adopt natin sa ASEAN Road Safety Booklet na naglalayong mas paigti-ngin ang kaligtasan sa mga lansangan para sa mga motorista at pedestrian.

Sa Pilipinas ay ika-8 ang vehicular accident sa major causes of death. Isa tayo sa pinakamataas ang bilang ng mga namamatay sa aksidente sa kalye.

Noong 2015, sa Kalakhang Maynila lamang, ang namatay sa road crash ay 519 o 1.3 tao kada araw sa Metro Manila. Hindi pa po ito sa buong bansa.

Pinakamalaki ang aksidente sa mga motorsiklo na ang biktima ay madalas taong naglalakad o kaya yung rider. Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa kawalan ng disiplina sa mga nag-mo-motor at at kaukulang batas at pagpapatupad nito sa pagmamaneho ng motorsiklo.

Isa na rin dito ang hanggang ngayon ay wala pang Implementing Rules and Regulations ng Speed Limiter Law at Anti-Distracted Driving Law, dalawang batas na ipinasa nitong unang bahagi ng taon pero hindi pa napatutupad hanggang ngayon.

Dito ko nakikita na talagang napakababa ng lebel ng importansya ng road and traffic situation sa bansa. Sa dami ng problema sa lansangan, kabilang dito ang trapik at kaligtasan, parang walang pumapansin sa atin sa mga aktibidad na maaaring tumulong umayos sa problemang ito.

Sa Malaysia, Thailand, Singapore at Indonesia, mga bansang halos pareho lang natin ang sitwasyon ng lansangan, isang napakalaking event ang Transport Ministers Meeting. Sa atin, parang walang dumating na high level transport ministers sa bansa noong nakaraang linggo.

Nakalulungkot ito.

Auto Trivia: Sa kasalukuyan, ang pinakamahabang biyahe sa loob ng isang kotse at ginawa na ng mag-asawang Emil at Lilliana Schmid mula Switzerland.
Noong July 4, 2016 sila ay nakalakbay na nang 730,642 kilometro, at nakatawid na ng 186 na bansa sakay ng kanilang 1986 Toyota Land Cruiser FJ60. Nagsimula ang kanilang paglalakbay noong October 18, 1984 at kasalukuyan pa ring naglalakbay.

vvv
May komento or suggestion, sumulat po sa irie.panganiban@gmail.com.

Read more...