Patakaran sa sahod para sa Araw ni Bonifacio ipinalabas ng DOLE | Bandera

Patakaran sa sahod para sa Araw ni Bonifacio ipinalabas ng DOLE

Liza Soriano - November 25, 2016 - 12:10 AM

OBLIGADONG sundin ng mga kumpanya ang tamang pasahod para sa Nobyembre 30 regular holiday, Araw ni Bonifacio.

Gugunitain ng buong bansa sa ika-153 kaarawan ni Andres Bonifacio Nov.30, isang regular non-working holiday.

Ang mga employer sa pribadong sektor ay obligadong sundin ang patakaran sa pagbibigay ng tamang sahod at batas-paggawa na naayon sa nasabing araw para sa kagalingan at ikabubuti ng ating manggagawa

Inilathala ang Labor Advisory No. 16, Series of 2016. Ang Araw ni Bonifacio ay taon-taong ginugunita bilang paggalang sa kinikilalang ‘kahanga-hangang mamamayan,’ na isinilang noong 30 Nobyembre 1863.

Ang patakaran sa tamang sahod para sa Araw ni Bonifacio ay ang sumusunod:

Kung hindi nagtrabaho, tatanggap ang empleyado ng 100 porsiyento ng kanyang sahod sa nasabing araw. Kasama ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay. Halimbawa: [(Arawang sahod + COLA) x 100 porsiyento];

Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw, tatanggap siya ng 200 porsiyento ng kanyang regular na sahod para sa unang walong oras. Kasama din ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay. Halimbawa: [(Arawang sahod + COLA) x 200 porsiyento].

Kung nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita ng nasabing araw. Halimbawa: [Orasang kita ng arawang sahod x 200 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho];

Kung nagtrabaho sa nasabing araw at ito din ay araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang kita na 200 porsiyento. Halimbawa: [(Arawang kita + COLA) x 200 porsiyento] + (30 porsiyento [Arawang kita x 200 porsiyento)]; at

Kung nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) ng regular holiday na siya ring araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita ng nasabing araw. Halimbawa: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200 porsiyento x 130 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho).
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending