Vice sa pang-iisnab ng MMFF: Na-sad ako, pero nakahanda kami!

vice ganda

AMINADO si Vice Ganda na nalungkot siya dahil hindi nakapasok ang movie niyang “The Super Parental Guardians” kasama si Coco Martin at ang breakthrough child actors na sina Onyok Pineda at Awra Briguela.

“Na-sad. Pero normal ang ma-sad kasi ‘yun naman ang intention namin, ang sumali sa festival. Pero ready kasi kami at saka ‘yung Star Cinema, ready kami kung ano ang gagawin namin kung hindi kami masasama sa filmfest kaya hindi kami taranta. Ready kami,” say ni Vice.

“Una sad, noong nasa Showtime ako. Slight natawa kasi si Vhong (Navarro) din (ay nalaglag) so dalawa kami. Nag-usap kaming dalawa.

“Sabi ko sa kanya, ‘Siguro kung ikaw lang ang nalaglag, sabi ko kay Vhong, ang sakit sa ‘yo. Ako din, kung ako lang ang nalaglag, ang sakit sa akin. Pero dahil dalawa tayo (na hindi nakapasok sa MMFF) ay hindi masyadong masakit,” dagdag pa niya.

Showing na sa Nov. 30 ang movie at sa trailer pa lang ay talagang tawang-tawa na kami.

Read more...