Si Bato ay PNP chief, hindi clown

DAPAT ilagay sa lugar ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang pagiging komedyante o payaso.

Hindi maganda sa chief ng Philippine National Police ang nagpapayaso sa harap ng TV camera dahil hindi siya nagiging kagalang-galang.

Kalbo pa naman siya at mukhang kargador sa pantalan dahil sa naglalakihan ang kanyang mga muscles na hindi proportion sa kanyang height.

Ok lang sanang magpatawa kung siya’y off-camera at sila-sila lang ng mga kaibigan niyang reporters ang magkakasama.

Pero kapag nasa harap siya ng camera ay dapat maging kagalang-galang siya dahil siya ay isang alagad ng batas.

Igagalang mo ba ang isang pulis na clown o komedyante?

Si Bato lang siguro ang walang dating na PNP chief.

Never in the history of the PNP or its predecessor, the Philippine Constabulary, has its chief been regarded as a clown by the public.

Of course, sasabihin ng mga defenders in Bato that he softens the bad image of the PNP because of his antics.

But a law enforcer is not there to become friendly with the citizenry but to make the citizenry respect the law.

Paano mo naman igagalang ang isang pulis, na tagapagpatupad ng batas, kung siya’y nag-aastang circus clown?

I know where Bato is coming from: He wants to change the image of a policeman from being unapproachable to one who is friendly and approachable.

Puwede namang madaling lapitan ng mamamayan ang isang pulis na seryoso sa kanyang trabaho.

Otherwise, Mr. Bato, mali ang pinili mong propesyon; naging circus clown ka sana o kaya ay artistang ala Chiquito.

Sinabi ni Bato na nahuli si Ronnie Dayan, dating driver at confessed lover ng dating justice secretary at ngayon ay Sen. Leila de Lima, ng mga pulis.

Pero sinabi ng mga kamag-anak ni Dayan na pagod na siya sa pagtatago kaya’t binalak na niyang sumurender.

Noong nasa ricefield siya ay papunta na siya sa presinto at isa sa kanyang mga kamag-anak ang nagsabi sa mga pulis na siya’y palabas na sa kanyang pinagtataguan.

Pero paanong nahuli ang isang tao na susurender at lumabas sa kanyang pinagtataguan?

Iba yung hinanap si Dayan ng mga pulis at nakita siya, hinabol at nahuli habang tumatakas.

Pero iba ang papunta na siya sa presinto at sinalubong ng mga pulis; hindi huli yan dahil siya’y kusang sumuko.

Ang sabi ni Bato ay naghabulan sa ricefield bago nahuli si Dayan.

Ano?! Paanong naghabulan samantalang siya’y sinalubong pa ng kanyang mga kamag-anak para samahan sa presinto?

Mukhang niloko si Bato ng kanyang mga tauhan.

Hayan! Dahil sa kanyang pagiging komedyano ay hindi tuloy siya iginagalang ng kanyang mga tauhan kaya’t nagsinungaling sa kanya.

Kung kinatatakutan o iginagalang si Bato ng kanyang mga tauhan, hindi sila magsisinungaling nang ganoon.

Sasabihin nila ang buong pangyayari sa kanya.

O baka naman ay gustong palusutan siya ng kanyang mga tauhan kaya’t binigyan siya ng istoryang kasinungalingan.

Gusto nilang ma-claim ang P1 million reward sa pagkakahuli kay Dayan?

Ito ang maipapayo ko kay Bato bilang matagal na nag-cover sa police beat: Marerendahan mo lang ang mga tauhan mo kapag nagpakita kang ikaw ay kagalang-galang.

Tingnan mo na lang: Noong wala ka dahil nanood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas ay gumawa ng milagro ang mga pulis sa Leyte.

Pinasok ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Leyte sub-provincial jail, kung saan nakakulong ang drug lord na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, at pinatay nila ito.

Ok lang isalvage ang isang drug lord, pero kailangan pa bang masyadong garapal ang pagkagawa?

Nagawa ng mga tauhan ng CIDG ang garapal na pag-salvage kay Espinosa—di man lang pino ang ginawang scenario—dahil wala silang paggalang kay Bato.

Si Bato na mismo ang nagbigay ng assurance kay Espinosa na hindi siya masasaktan.

Bakit pinatay si Espinosa noong si Bato ay wala sa bansa?

Di ba lantarang pagpapakita ito ng kawalan ng paggalang sa kanilang Big Boss?

Read more...