Mark Anthony posibleng ilabas ng kulungan at ilipat sa rehab

mark anthony fernandez

OUT OF curiosity ay tinanong namin si Atty. Persida kung nasubukan din niyang tumikim ng droga noong kabataan niya, “Ako? Mukha ba akong drug addict?” napataas ang tonong tanong niya sa amin.

“Hindi ako lumaking pasaway kasi lumaki ako sa pamilyang konserbatibo, saka preacher ako ng Bible noon. Nu’ng mag-asawa ako, doon lang ako natigil.”

May posibilidad bang sa rehabilitaton na lang makulong si Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Angeles City, Pampanga dahil nahulihan ng isang kilong marijuana?

“Depende sa abogado niya, may private lawyer. So depende pa rin sa magiging future ng kaso. Anything is possible. Yang mga user, kinaaawaan ‘yan hindi dapat kamuhian, dapat ipagamot. Ang dapat sisihin ‘yung mga nagti-trade. Kasi ‘yung mga nagti-trade, kumikita sila, talagang milyones at the expense ng ating mga artista, masang Pilipino. Kaya ang tinutugis, mga drug lord,” sey pa ng matapang na abogada.

May lumapit na ba sa kanya para maging miyembro o chief ng MTRCB, “Ayaw ko sumali diyan, matrabaho ‘yan,” natawang sagot sa amin.

Nakakatuwang kausap si Atty. Persida Acosta dahil marami siyang kuwento at pawang interesting topics lahat, hindi nga lang niya puwedeng sabihin ang ibang nangyayari ngayon sa gobyerno dahil, “My lips are sealed.”

Malapit sa entertainment press ang PAO Chief dahil sa kanila nakakahingi ng tulong kapag may mga balitang kailangang ilabas na minsan ay hindi napapansin.

At ang agam-agam ngayon ni Atty. Persida ay baka hindi na niya makakapiling ang entertainment media kapag ipinatawag na siya sa Supreme Court dahil maraming nag-retiro na at bakante ang puwesto.

“Kasi kapag sinuwerteng mapapunta ako sa SC, maraming restrictions na, hindi na puwede ang get-together na tulad nito, e, malapit kayo sa puso ko.

“Pero huwag kayong mag-aalala kasi nasa isipan at puso ko pa rin kayo,” pahayag ni Attorney Persida.

Read more...