Michael Pangilinan may libreng b-day concert para sa loyal fans

michael pangilinan

MAY kanya-kanyang paraan ng pagselebra ng kanilang kaarawan ang mga celebrity. While most of them choose to throw parties at bars, meron din namang nag-aalay ng mga regalo to the elderly or sick children housed at charitable institutions.

Sa kanyang birthday, singer-actor Michael Pangilinan will hold a free concert bilang pasasalamat sa mga biyayang patuloy niyang tinatamasa na naging dahilan sa pagkakabansag niya bilang Kilabot ng mga Kolehiyala at Harana Prince.

Gaganapin ang concert sa Rajah Sulayman Park sa Malate, Manila katabi ng Aristocrat along Roxas Blvd. this Saturday, Nov. 26.

Sinadyang maglaan ng panahon ni Michael para handugan ng free concert ang kanyang mga fans as the coming season has him fully booked in corporate parties and live guestings, on top of his recording activities.

So, Tito Jobert Sucaldito…alam na rin!

Read more...