Baguhang direktor pinaglakad si Ate Guy nang bonggang-bongga habang umuulan

nora aunor

BIYERNES nang ihayag ang walong opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito, isa na rito ang pelikulang “Kabisera” ni Nora Aunor.

The film, written by Real “Yay” Florido na dati naming kasamahan sa GMA, ay sa kanya ring direksyon along with Arturo “Boy” San Agustin.

“Kabisera” is Yay’s second directorial work kasunod ng “1st Ko Si 3rd” which earned him the Best Director plum in London Awards at ipinadala sa iba’t ibang film festivals abroad.

Isa noon si Yay sa mga episode writers ng Tweetbiz (which was later retitled Tweetbiz Insiders) on QTV 11 kung saan isa kami sa mga minor hosts. Little did we know that Yay had a knack for directing, bagay na sana’y noon pa ipinagkatiwala sa kanya ng GMA (but the one-time offer to helm a weekly series came a bit too late).

Honestly, masaya kami para kay Yay, very unassuming kasi siya, walang angas sa katawan yet rich in untapped talent. And getting to direct a Nora Aunor film (via Kabisera) is a feather in his cap this early part sa kanyang karera.

Sa abot ng aming munting makakaya ay gusto naming tulungan si Yay in pursuit of—we suppose—his long-cherished dream and unltimately join the ranks of other established, respected local directors in the near future.

Agad kaming nakipag-ugnayan kay Yay through Facebook tungkol sa “Kabisera” na isang Pilipinong pamilyang dumaan sa mga yugto ng buhay bunga ng isang trahedya.

Puring-puri ni Yay si Ate Guy bilang katrabaho. Ang premyadong aktres pa nga raw ang nagsabi sa kanila ni direk Buboy na ibang atake ang kanyang gagawin sa isang eksena to make it distinct from all the other heavy scenes she has done in her past movies.

Sa tanong kung alin sa mga eksena sa “Kabisera” ang pinakamagmamarka sa mga manonood, ayon kay Yay, ‘yun daw ‘yung kinunan nila nang mahaba kesa sa karaniwan kung saan mula pasilyo ng kanyang bahay ay naglakad si Nora hanggang kusina hanggang sa labas amidst the rain.

Let’s face it, an MMFF during its glory years nang walang kalahok na pelikula sina Nora at Vilma Santos at ilan pang malalaking bituin sa larangan ng serious drama ay hindi maituturing na festival.

Even the directors noong mga panahong ‘yon would lend a truly festival-ish prestige.

A quick look at Kabisera’s dramatis personae (tampok din sina Ricky Davao, Ces Quesada, JC de Vera, Victor Neri, Ms. Perla Bautista) reveals na isa itong ensemble na kinabibilangan ng mga “best” in other award-giving bodies.

So, alam na!

Read more...