Kerwin nilinis ang pangalan ni Richard Gomez sa pagkakasangkot sa droga

RICHARD GOMEZ

RICHARD GOMEZ

NILINIS ng drug lord na si Kerwin Espinosa ang pangalan ng aktor at ngayon ay Ormoc, Leyte Mayor Richard Gomez matapos na iugnay sa “Espinosa drug group.”

Sa pagdinig ng Senado, itinanggi ni Kerwin na nakipagtransaksyon siya kay Gomez at iba pang opisyal sa Leyte.
“Hindi kaya ako barilin niyan? Wala ‘yang kaalam alam,” sabi ni Kerwin nang tanungin ni Sen. Panfilo Lacson kung kasama si Gomez sa kanyang payroll.
Itinanggi rin ni Kerwin na binigyan niya ng payola sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Leyte Rep. Vicente Veloso, isang dating appellate justice, Leyte Governor Leopoldo Petilla.

Read more...