NAPAIYAK si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa tanong kung nawala na ang tiwala ng publiko sa kapulisan.
“Ako’y hirap na hirap na,” sabi ni dela Rosa sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs.
Idinagdag ni dela Rosa na hindi naman siya “superman” ngunit nangako na gagawin niya ang lahat para linisin ang PNP.
Nangako rin si dela Rosa na hindi niya iiwan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang laban kontra droga.
“Sir, hindi kita iiwan sa laban na ito. I’ll be with you no matter what,” ayon pa kay dela Rosa.
MOST READ
LATEST STORIES