PAO Chief ‘kinampihan’ ang mga artistang nagdodroga

persida acosta

HINDI pabor si Atty. Persida Rueda-Acosta, Chief Public Attorney, na pangalanan ang mga showbiz personalities na involved sa drugs.

“‘Wag na, ‘wag na kasi may dangal sila, eh,” say ni Atty. Acosta.

“Ang mga user, kinakaawaan ‘yan, hindi dapat kinamumuhian. Ang dapat sisihin ay ‘yung mga nagpu-push kasi kumikita sila, eh, talagang milyones at the expense sa ating mga artista at masang Pilipino. Kaya nga ang tinutugis ngayon ay mga drug lord.”

Ang tingin ni Atty. Acosta ay maganda ang resulta ng anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Actually, maganda ang outcome ng drug drive, ‘yung mga kabataan ngayon ay bihira nang gumigimik. ‘Yung mga shooting ngayon ay may cut off na. Actually, delikado rin sa kalusugan (ang puyatang shooting) at may temptation na kung anu-ano.

“Ngayon ang mga bata kapag aalis ay hindi kinakabahan ang mga magulang hindi gaya noong araw na hindi makatulog ang mga magulanghangga’t hindi umuuwi ang mga anak.”

When asked kung ano ang maipapayo niya sa mga drug addict, Atty. Persida said, “Ang advice ko diyan, magpa-rehab at makipagkita kay General Bato, magpa-drug test na.”

Kung magagawang pelikula ang kanyang buhay ay natanong si Attorney kung sino ang gusto niyang gumanap. She rattled of some names which included Lorna Tolentino, Jaclyn Jose, Kristine Hermosa.

Ayaw na rin daw niyang magbalik ang kanyang TV show dahil “Napapagod ako doon, eh. Hindi ako makapagpahinga kasi limang episodes ang tine-tape sa isang araw.”

Read more...