Greta ibinandera ang pagiging pro-Marcos, G Toengi napamura
GRETCHEN Barretto unwittingly showed her partiality for the Marcoses nang mag-post siya ng photo na kuha during the burial of former President Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani.
Sa photo sa kanyang Instagram account ay ito ang caption ni La Greta: “Finally AFTER 27 years PRESIDENT FERDINAND MARCOS at the Libingan ng mga Bayani. @bongbongmarcos. MARCOS PA RIN!”
Ang isa sa agad-agad na nag-react ay ang US-based TV host and actress na si G Toengi who said, “Seriously!?!? #wtf #marcosisNohero!”
Ang madalas na sinasabi ng mga pro-Marcos ay mag-move on na raw tayong mga Pinoy?
Gano’n ba? Siguro mangyayari lang ‘yun kung aaminin nila na nagnakaw sila. There was one video on Facebook which showed Imelda Marcos claiming on an interview that they had 987 billion dollars sa isang bangko sa Brussels. It was a video, ha, kaya hindi sila puwedeng mag-deny.
How, in heaven’s name, were they able to amass that kind of big money?
The burial of Marcos has divided the country. Kung marami ang nagkagusto sa kanyang pagpapalibing, higit na marami ang may ayaw. Ang daming nagprotesta, ang daming nagtatalak at ang daming nag-react violently sa social media.
Even in his death ay talaga yatang hindi tayo patatahimikin ni Marcos. Talagang hinati niya sa dalawa ang taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.