WALA pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may nadamay na Pinoy sa 6.9 magnitude na lindol na tumama sa hilagang silangan ng Japan na nagdulot pa ng tatlong talampakang tsunami.
Ani DFA assistant secretary Charles Jose, patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Tokyo ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.
“So far there are no reports of any Filipino affected by the earthquake in Japan. Our Embassy in Tokyo continues to monitor the situation closely,” sabi ni Jose.
Noong 2011, tumama napakalakas na lindol na nagdulot ng tsunami na ikinamatay ng 18,000 katao.
Wala pang ulat kung may namatay sa lindol at maging ang tindi ng pinsala nito.
Base sa datos ng DFA, may kabuuang 240,000 na Pinoy ang nasa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.