NATIMBOG na ang dating bodyguard at “boyfriend” ni dating Justice Secretary at ngayon ay Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa San Juan, La Union.
Ayon sa ulat, alas 11:30 ng umaga Martes nang maaresto si Dayan sa Sition Turod, barangay San Felipe. Inaresto si Dayan base sa arrest warrant na inisyu ng Kamara dahil sa hindi nito pagsipot sa House justice committee hearing na dumidinig sa isyu tungkol sa illegal drug operation.
Alas-4 ng hapon ngayong Martes ay ihaharap ng PNP sa media ang inarestong dating driver, bodyguard at diumano’y boyfriend ni de Lima, na una na ring idinadawit sa ilegal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES