Singer-comedian Blakdyak natagpuang patay

NATAGPUANG patay sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila ang singer-comedian na si Blakdyak o Joseph Formoran Amoto sa tunay na buhay.

Wala pang official statement ang pamilya ni Blakdyak tungkol sa dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa mga paunang balita, natagpuan ang singer-comedian na nakabalot ang ulo nito ng plastik habang kalat-kalat ang kanyang mga gamit.  Natagpuan ang kanyang katawan alas-6 Lunes ng gabi.

Inaalam pa ng pulisya kung merong foul play sa pangyayari.

Si Blakdyak ang nagpasikat sa awiting “Bikini Mong Itim”.

Matatandaan na noong 2014, inaresto ang singer-comedian dahil sa ginawa nitong panggugulo sa kanilang lugar sa Cubao, Quezon City.  Inaresto rin ito dahil sa illegal possession of drug paraphernalia.

Si Blakdyak ay may asawa at apat na anak.

 

Read more...