NAKAKAAWA rin si Megastar Sharon Cuneta na inuulan ngayon ng pambabatikos mula sa netizens dahil sa hayagang pagtutol ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Naiipit ngayon si Sharon sa political issue na ito dahil nga alam naman ng buong mundo kung gaano kalapit ang aktres sa pamilya Marcos. Naging ninong pa nga nila ni Gabby Concepcion si Marcos sa kasal noon.
Bukod dito naging bahagi rin ng pamumulitika ng yumaong ama ni Mega na si Mayor Pablo Cuneta ang dating pangulo.
Well, isa lamang iyan sa milyon-milyong epekto ng isyu sa paglilibing kay Marcos sa LNMB, na aminin man natin o hindi, simula noong 1965 hanggang sa ngayon ay mananatiling parte na ng buhay ng bawat Pilipino.