LOOK at the new generation of Marcoses and Aquinos.
Patay na ang mga ninuno nila pero dahil Marcos ang pinanggalingan ng lahat, kaliwa’t kanan din ang awayan ngayon sa social media sa pagitan ng anti at pro Marcos.
May iba pa nga na personal at pisikal na ang tira sa Marcos, partikular sa mga anak nina Imee, Irene at Bongbong.
Kaya ang kontra resbak naman ay gantihan ang mga Aquino gaya ng pambabatikos ngayon sa mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby. Nakakaawa nga ang mga bata dahil pati sila ay nadadamay sa away ng kanilang mga ninuno.
And this cycle will go on and on and on until when? Maging kaanak o kaibigan ng angkan nila ang ibang angkan o apelyido sa bansang ito?
MOST READ
LATEST STORIES