Gabby nakipag-bonding sa 3 anak…sa iba’t ibang babae

gabby kc at cloie

MULA nang ipinanganak ay hindi na nakita ni Gabby Concepcion ang anak niya kay Jenny Syquia na si Chloe. Nitong nakaraang pagsali ng dalaga sa Miss Earth 2016 lang sila muling nagkita at nagyakapan.

Batid ni Gabo na darating ang araw na magkakaroon din sila ng communication ng mga anak sa ibang babae.

“Hinahanap ko rin naman si Chloe. Pero may mga hurdles. You can only do so much and the rest, pray,” saad ni Gabo sa pictorial para sa bago niyang teleserye sa GMA, ang Ika-6 Na Utos.

Bukod kay Chloe, nakasama rin niya ang mga anak na sina KC at Garrie, “Sabi ko sa kanila, take all the pictures you want. Wala akong kukunin dahil pag lumabas ‘yan, ayokong sa akin manggaling,” sabi ng aktor.

Si KC ang nag-ayos na makita niya sina Garrie at Chloe, “Si KC naman, may ganoong feeling kasi nu’ng bata pa sila, meron silang pictures na pinagsama ko silang tatlo. So may photo sila. Bata pa lang may bonding na sila.

“Dahil sa pictures, naramdaman lang nila,” balita pa ni Gabby.

Nais din ni Gabo na magkasama-sama ang tatlong anak na babae sa anak niya sa bagong asawa, “Pagsasamahin ko rin sila sa tamang panahon,” bulalas ni Gabby.

Read more...