Foton makikisalo sa liderato ng PSL

NOVEMBER 8, 2016: Members of Foton celebrate after scoring a point against Petron. INQUIRER PHOTO/ Sherwin Vardeleon

Games Today
(Gen. Trias, Cavite)
4 p.m. Cignal vs Foton
6 p.m. F2 Logistics vs
RC Cola-Army
Team Standings: Petron (8-1); Foton (7-1); F2 Logistics (6-3); RC Cola-Army (3-5); Cignal (1-7); Generika (1-9)
PUNTIRYA ng Foton na makisalo sa liderato habang tangka ng F2 Logistics na selyuhan ang pagkapit nito sa ikatlong puwesto ngayon sa Asics Philippine Superliga (PSL) Grand Prix presented by PLDT Home Ultera na gaganapin sa Gen. Trias Sports Center sa Cavite.
Sasagupain ng Tornadoes ang minamalas na Cignal HD Spikers ganap na alas-4 ng hapon habang pilit na ipagpapatuloy ng Cargo Movers ang kanilang momentum sa pagsagupa sa RC Cola-Army sa ganap na alas-6 ng gabi.
Nangunguna pa rin sa liga ang Petron sa kartadang 8-1 pero mapapantayan ito ng Foton kapag nanaig ito laban sa Cignal.
Bagaman wala nang tsansang maagaw pa ng 4th seed RC Cola-Army ang ikatlong puwesto ay nangako pa rin itong maglaro ng maigi ngayon kontra F2 Logistics at sa Huwebes kontra Cignal bilang paghahanda na rin sa sudden-death playoffs sa Sabado. —Angelito Oredo

Read more...